Kapag napagpasiyahan mong ibenta ang iyong negosyo, ang pagbenta ay bahagi lamang ng proseso. Maaaring may ilang mga karagdagang bagay na dapat isaalang-alang: ang iyong dahilan kung bakit ibinebenta ang negosyo, ang impormasyon na kakailanganin mong kunin, ang halaga ng iyong negosyo, ang pagpapanatili ng pagiging kompidensiyal, ang paningin ng bumibili, ang pagkuha ng mga propesyonal, at ang pag-aaral sa mga offer. Kung mayroon kang mga empleyado, maigi rin ang sabihin sa kanila na plano mong ibenta ang negosyo.
Kadalasan ay nais malaman ng isang taong gustong bumili kung bakit mo ipinagbibili ang iyong negosyo. Kapag nagbigay ka ng mabuting dahilan, matutulungan mo ang bumibili na gumawa ng may-kaalamang desisyon.
Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang dahilan para ibenta ang isang negosyo ay:
May ilang mga dokumento na maaaring kailanganin kapag ibebenta mo ang iyong negosyo, at kabilang dito ang:
Ang presyo ng pagbenta ng mga katulad na negosyo sa iyong lugar ay makapagbibigay sa iyo ng ideya kung gaano kahalaga ang iyong negosyo.
Kapag tinitiyak ang halaga ng iyong negosyo, mahalagang isaalang-alang ang physical at intangible assets nito. Dapat handang magbayad ng mas mataas na presyo ang mga bumibimili para sa isang matagal nang tumatakbong negosyo na may intangible assets, kabilang ang:
Upang iwasan ang magbigay ng impormasyon na magagamit upang makipagkompetensiya ang iba sa iyo, magbigay lamang ng pinansiyal na impormasyon sa mga seryosong gustong bumili. Maaari mo ring hilingin sa isang gustong bumili na pumirma ng isang non-disclosure agreement.
Ipaliwanag ang iyong negosyo sa isang bumibili sa paraang gusto mong makita ito kung ikaw ang bibili sa negosyo. Siguraduhing nalalaman ng mga bumibili ang mga aspeto ng iyong negosyo kung saan sila kikita.
Sa ilang mga kaso, maigi ang kumuha ng isang business broker o abogado na tutulong sa iyo na ibenta ang negosyo.
Ang ilan sa kabutihan ng pag-hire ng isang business broker ay:
Ang isang abogado ay maaaring konsultahin para sa tulong sa anumang mga legal na bagay, tulad ng:
Maglaan ng panahon upang pagkasunduan ang pagbenta ng iyong negosyo. Pag-aralan ang mga offer na natatanggap mo bago ka tumanggap at magbigay ng isang counter offer, kung kinakailangan.
Siguraduhing malalaman ng iyong mga empleyado mula sa iyo at hindi mula sa iba na ibinebenta mo ang negosyo. Pipiliin mo mang sabihin sa kanila bago ka magbenta o pagkatapos mong makahanap ng isang bibili, ang ilan sa iyong mga tauhan ay maaari pa ring magpasiyang humanap ng trabaho sa ibang lugar. Tandaan na maaaring mangyari ito at magplano para dito upang bawasan ang epekto nito sa pagbenta ng iyong negosyo.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbenta ng iyong negosyo at iba pang mga paksa sa negosyo, kontakin ang Canada Business Ontario / Entreprises Canada Ontario. Maaaring gamitin ang wikang Ingles o Pranses sa telepono.
1-888-745-8888
ATS : 1-800-457-8466