Symbole du gouvernement du Canada
Gouvernement de l'Ontario

Liens de la barre de menu commune

Prankisya

Ang mag-umpisa ng negosyo sa unang pagkakataon ay pusposan para sa isang negosyante. Ang mamumuhunan sa isang matagumpay na prankisya ay mabuting pagpilian para sa bagong plano mong negosyo.

Ano ang Prankisya?

Ang prankisya ay isang paraan sa pamamahagi ng produkto o serbisyo. Ang taga-prankisya (orihinal na may-ari) ang magbibigay ng lisensiya o karapatan gamitin ang kanyang marka-kalakal o pangalan sa kalakal sa isang halaga. Ang prankisyang tao (taong bumibili ng prankisya) ay papayagan gumamit ng pangalan sa negosyo at tatak para sa negosyo. Bilang prankisyang tao, magbabayad ka taga-prankisya ng ilang bahagi ng salapi (royalties) buhat sa iyong kinikita bilang prankisyang tao. Karaniwan, gumagawa ng papeles na kasunduang prankisya ang franchisor na kasama ang detalye kung papaano palalakarin ang prankisya.

Ano ang bentahe sa pag-aari ng prankisya?

  • Magsimula ka sa napatunayan nang ideya sa negosyo.
  • Mayroon tulong sa pagsimula ng negosyo (kasangkapan, taga-tustos, pagsasanay).
  • Maaring bumili ng mga tustos sa paninda na bulto.
  • Ang iyong benepisyo sa negosyo ay kilala na ang tatak pangalan buhat sa nakilala nang negosyo.
  • Ang matatag na tanikalang tustos at ang mga parokyano ay nakalugar na.
  • Ang pagbili ng matagumpay na prankisya ay maraming tubo.
  • Ang franchise ay mababa ang antas na hindi magtatumpay.

Ano ang di-bentahe sa pag-aari ng prankisya?

  • Pare-pareho ang patakbo ng prankisya, kaya maliit ang tsansa mo sa pamamalakad sa negosyo na gusto mo. Minsan ito ay hadlang kung ikaw ay mayroon sariling ideya kung paano ang pamamalakad sa negosyo.
  • Ang mas matagumpay na franchise, mas mahal ang pagbili nito.
  • Mayroon palagiang gastos, gaya ng royalties at pag-anunsiyo.
  • Ang ibang franchisor ay hindi nagbibigay ng tulong, gaya ng pagsasanay o pagtuturo.
  • Kalimitan ang kasunduan sa franchise ay kalimitang pabor sa franchisor, kaya, magsiguro na mayroon kang sariling abogado upang suriin ng husto ang kasunduan bago pirmahan.
  • Ang lokasyon ng franchise ay nasa pasya ng franchisor.
  • Hindi maraming proteksiyon na legal ang binibigay sa nag-iisang franchisee/may-ari.

Para sa iba pang impormasyon sa franchising at iba pang paksa sa negosyo tumawag sa Canada Business Ontario / Entreprises Canada Ontario ngayon. Ang serbisyo sa telepono ay maaring Inglis o Pranse.

Business Info Line

1-888-745-8888
ATS : 1-800-457-8466

www.entreprisescanada.ca

ontario@entreprisescanada.ca